Pages

Thursday, February 18, 2010

Filipino Folk Beliefs

I found them interesting and thought I'd share some.

#Kapag ang nagbubuntis na babae ay kuman ng kambal na saging, siya ang manganganak ng kambal. Upang maiwasan ito, kailangang paghiwalayin niya ang kambal na saging sa kanyang likuran. (A pregnant woman who eats "twin" bananas will give birth to twins. To prevent this, she must split the twin bananas behind her back.)

#Kapag ang sanggol ay dumapa sa unang pagkakataon, maglagay ng lapis, papel, at libro sa ilalim ng kanyang tiyan upang siya ay lumaking matalino. (When a baby lies on her stomach for the first time, place a pencil, paper, and a book under her so that she will be intelligent.)

#Pagkatapos ipanganak ang sanggol, ang "umbilical cord" ay kailangan ipahid sa kanyang pisngi upang siya ay magkaroon ng "dimples". (After the baby is delivered, the umbilical cord must be rubbed on the newborn's cheek to produce dimples.)

#Ang paghiga sa kama ng basa ang buhok ay magiging sanhi ng pagkabulag o pagkabaliw. (Going to bed with wet hair leads to blindness and insanity.)

#Kapag ikaw ay nanaginip na isa sa iyong mga ngipin ay binubunot, ito ay nangangahulugan na isang kasapi ng iyong pamilya ay mamamatay. (If you dream that one of your teeth is being pulled out, this means that a family member will die.)

#Ang kaluluwa raw ng isang tao ay bumabalik sa ikatlo, ika-lima, at ika-pitong araw matapos siyang mamatay. (It is said that the soul of the deceased returns on the third, the fifth, and the seventh days after death.)

#Ingatan na huwag papatak ang iyong luha sa isang patay o sa kanyang kabaong. Kapag ito ay nangyari, ang patay na tao ay magkakaroon ng mahirap na paglalakbay sa kabilang daigdig. (Be careful that your tears don't fall on the dead or on the coffin. If they do, the dead person will have a difficult ourney to the next world.)

#Kapag nagbungkal ng butas na libingan na mas malaki pa kesa sa kabaong, ito ay magiging sanhi ng pagsali ng isang malapit na kamag-anak sa libingan ng patay. (Digging a hole larger than the coffin will cause an immediate relative to join the deceased in the grave.)

#Ang pagtapak sa unan ay maghahatid ng malas. (Stepping on a pillow brings misfortune.)

#Ang isang taong may lakad patungo kung saan ay hindi dapat ituloy ang kanyang lakad kung sakaling siya ay matapilok pagkalabas ng bahay. Ito ay pahiwatig na may masamang mangyayari sa kanya kapag itinuloy niya ang kanyang lakad. (A person who is headed somewhere should not proceed with her journey if she trips on something after leaving the house. Otherwise, something terrible will happen to her.)

#Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.)

#Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos. (Never give a pair of shoes away for free. Either throw up the shoes up in the air and let the prospective owner pick them up, or let him or her buy it for five centavos.)

#Kailangang ibigay ang anumang gusto ng isang nagbubuntis, kung hindi siya ay makukunan. (Give an expectant mother anything she craves for, or she will have a miscarriage.)

#Kapag kumakati ang iyong palad, ibig sabihin ay makakatanggap ka ng maraming pera. (If your palm itches, it means you will receive a lot of money.)

(source: seasite)

Thursday, February 11, 2010

Hottie Alert! ;)


(Robert) Boyd Holbrook
(September 1, 1981)


Matthew Ryan Phillippe
(born September 10, 1974)


Chad Michael Murray
(born August 24, 1981)



Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Powered by Blogger